𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦

Namahagi ng gamot kontra leptospirosis ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga residente nito.

Sinuyod ng City Health Office ang mga kabahayan sa Barangay Tambac kung saan abot binti ang tubig baha

upang mamigay ng doxycycline capsules na mabisang antibiotic sa banta ng leptospirosis at mga sakit na maaaring makuha sa baha.

Target ng City Health Office na unang nabigyan ng antibiotic ang mga market vendors, tricycle drivers at jeepney drivers na madalas umanong lumusong sa baha.

Paalala ng CHO, mainam na huwag lumusong sa baha at kung hindi maiiwasan ay gumamit ng proteksyon tulad ng bota.

Samantala, ipinagbabawal din ang paglalaro ng mga bata sa tubig baha sapagkat hindi inirerekomenda ang pag-inom ng doxycycline sa mga edad 18 anyos pababa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments