Kasalukuyang pinaghahanap pa din ang isang lokal na turista mula lalawigan ng Benguet matapos itong malunod ng tangayin ng malakas na agos sa Lingayen Beach.
Ang biktima ay nakilalang si Jeyreko Ay-yato, residente ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.
Ayon sa imbestigasyon nagpunta ng Lingayen ang biktima kasama ang ilanhg mga kaanak upang doon magselebra ng kapaskuhan.
Pasado alas kwatro ng hapon ng ito ay naligo sa dagat at biglang tinangay ng malakas na alon.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pinaghahanap ang Katawan ng biktima ng mga awtoridad kasama ang hanay ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments