𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔

Cauayan City – Nasukol ng mga kapulisan ang isang lolo ngayong araw, ika-15 ng Hulyo, sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Jun”, 74 anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Ariel M. Palce, Preciding Judge, RTC Branch 40, 2nd Judicial Region, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Rape kung saan walang inirekomendang piyansa para rito.


Matapos ang pagkakadakip, kaagad na dinala sa CIDG Isabela PFU ang suspek bago ito tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments