𝗟𝗢𝗟𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢

PATAY ANG ISANG SESENTA Y SIYETE ANYOS NA LOLO MATAPOS ITONG MASANGKOT SA AKSIDENTE SA BAYAN NG BALUNGAO.

ANG BIKTIMA AY NAKILALANG SI ARSENIO GUIOA RESIDENTE NG BARANGAY POBLACION SA NASABING BAYAN.

AYON SA IMBESTIGASYON, SAKAY NG KANYANG MOTOR ANG BIKTIMA PASADO ALAS TRES NG HAPON SA MAY BARANGAY SAN JULIAN NANG ITO AY BIGLANG MAWALAN NG KONTROL SA MANIBELA AT MAHULOG SA BUKID HABANG ANG BIKTIMA AY TUMAMA SA IMBURNAL.

DAHIL DITO AY NAGTAMO NG MATINDING SUGAT SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG KATAWAN ANG BIKTIMA NA DAHILAN NG AGARAN NITONG PAGKAMATAY. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments