Inirereklamo ngayon ng ilang mga residente sa Brgy. MalacaΓ±ang, San Carlos City, Pangasinan ang lubak lubak at butas butas na kalsada sa kanilang barangay.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang residente, mula umano sa barangay Abanon hanggang Agdao, kapansin pansin ang maraming butas sa nasabing kalsada.
Lalo pang ipinanawagan sa awtoridad pagsasaayos ng mga daanan kasunod ng naitatalang mga road accidents sa lugar.
Kahapon lamang, naabutan ng IFM News Dagupan Team ang isang aksidente sa bahagi ng Sitio Robillos, Brgy. MalacaΓ±ang na kinasangkutan ng isang motorsiklo at SUV.
Ayon sa mga nakasaksi, iniwasan umano ng rider ang butas na bahagi ng kalsada na dahilan upang mabangga ang SUV.
Hiling ngayon ng mga ito ang aksyon ng kinauukulan upang maisaayos ang naturang kakalsadahan. |πππ’π£ππ¬π¨