Friday, January 16, 2026

𝗟𝗨𝗕𝗔𝗞-𝗟𝗨𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗘𝗥𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗨𝗦𝗜𝗡

Cauayan City – Nakatakda ng ayusin ang sementado ngunit lubak-lubak na kalsada na madalas idinadaing ng mga residente at motorista sa Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Dennis Dela Cruz, kapitan sa nabanggit na barangay, magandang balita na aprubado na ang P16 Million pondo para sa road restoration sa kanilang lugar.

Aniya, ang nabanggit na pondo ay mula sa National Government at mayroon na ring mga naipresintang kalsada na siyang ayusin.

Ayon sa kapitan, malaking tulong ang proyektong ito sa mga residente lalo na sa mga magsasaka sa kanilang barangay na bina-biyahe ang kanilang mga produkto.

Samantala, sa isinagawang mobile session kasama ang mga opisyal ng LGU Cauayan, hiniling naman ng kapitan na kung sakali man na uumpisahan na ang proyekto, mas mabuti umano kung siguraduhing maayos muna ang mga daan sa mga itatalagang alternative route upang hindi mahirapan ang mga motorista.

Bagama’t wala pang eksaktong petsa kung kailan uumpisahan ang road reconstruction sa Barangay, ikinatutuwa na nito ang ginhawang maidudulot nito sa mga residente sa kanyang nasasakupan.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments