Friday, January 23, 2026

𝗟𝗨𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡


Cauayan City – Nagbigay paalala ang pamunuan ng Luna Police Station sa mga motorista kaugnay sa pagsunod sa batas trapiko at ligtas at responsableng pagmamaneho sa kalsada.

Sa panayam ng IFM News Team kay Police Major Jonathan Ramos, sinabi nito na ang naganap na aksidente noong ika-21 ng Enero na kinasangkutan ng Jeep at Dump Truck ay ang unang aksidente na naitala sa kanilang bayan ngayong taon.

Aniya, bilang hakbang tungo sa ligtas na pagmamaneho ay nakikipag-ugnayan na sila sa PNP-Highway Patrol Group at Land Transportation Office. Hinihiling nila na mas paigtingin pa ang pagbabantay sa kalsada at panghuhuli sa mga motorista na hindi sumusunod sa batas trapiko.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko, mababawasan ang mga motoristang hindi responsable sa pagmamaneho na posibleng mag resulta sa mas mababang aksidente sa kalsada.

Paalala nito sa mga motorista, maging maingat sa pagmamaneho at isaalang-alang ang kanilang kaligtasan upang makarating ng ligtas sa kanilang mga pupuntahan.

‎‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments