𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗗, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗬𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦

Muling isinailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid kahapon, May 14 mula ala una ng hapon at nagtagal hanggang alas diyes ng gabi.

Sa itinaas na yellow alert, ang kabuuang reserba ng kuryente ay mababa o hindi sapat upang maabot ang contingency requirement ng transmission grid.

Sa naging abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasa limang planta ang nagpapatupad ng force outage noon pang 2023. Ang available capacity ng grid ay nasa 14, 963 megawatts at ang peak demand ay nasa 13,871 megawatts.

Sa Dagupan City, tiniyak naman ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na matatag ang suplay ng kuryente maging ang pagsiguro na wala umanong magiging paggalaw sa singil nito sa lungsod.

Sa usaping kuryente at mga hamong nararanasan ngayon hinggil dito, patuloy na isinusulong ng tanggapan ng ikalawang kongresista sa Pangasinan ang pagtataguyod ng nuclear power plant na inaasahang makatutulong sa problemang kuryente sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments