Dahil sa layunin ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na makapagbigay ng mas maayos at mabilis na serbisyo sa mga pasyente sa bawat district hospital sa probinsya isinagawa ang isang diyalogo ukol dito.
Pinangunahan ang nasabing dayalogo ni Provincial Administrator Melicio Patague II katuwang ang ilan pang kawani ng pamahalaan sa pagitan ng mga doktor na nakatalaga sa mga district hospital gaya nalang nina Dr. Athena Marie C Merrera ng Bayambang District Hospital, Dr Aurelio Carino ng Lingayen District Hospital at Dr. Eusebio DG. Sison kung saan kanilang napag-usapan ang mga solusyong maaaring gamitin o gawin upang maresolba ang problema sa mahabang pila sa Emergency Ward at Out-patient department.
Natalakay din dito ang mga benepisyo na maaaring makuha ng mga pasyente maging ng mga kawani ng bawat hospital.
Layunin ng dayalogong ito ay upang magtuloy-tuloy ang magandang serbisyo na ibinibigay sa bawat pasyente dahil isa sa programa ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang ukol sa serbisyong pangkalusugan sa probinsya. |πππ’π£ππ¬π¨