𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Dahil sa magkasunod na bagyo umaaray ngayon ang mga negosyo sa lungsod ng Dagupan dahil sa mababang arawang kita.

Ilang business manager at supervisor ang nakapanayam ng IFM News Dagupan, tuwing may bagyo bilang lamang umano ang kanilang customer.

Mula sa mahigit 100 na customer sa normal na panahon, bumababa sa hanggang 50 customer o mas mababa pa tuwing may bagyo.

Madalas din umano na maagang nagsasara ng mga pwesto ang mga ito dahil sa maaring banta sa kanilang kaligtasan.

Bukod dito, nararanasan rin ang pagbaha na sinasabayan pa ng high tide kung kaya’t ilang araw ring nagsasara ang ilang mga pwesto.

Sa kabila nito, positibo ang mga business establishments na lalakas ang kanilang kita ngayong long weekend at paggunita sa Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments