Hindi umano kakayanin sa ngayon ang mababang presyo ng bigas sa merkado ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, mayroon umanong 29 pesos per kilo na ibinebenta sa mga Kadiwa stores ngunit ang mga ito ay subsidiya mula sa gobyerno kung kaya’t mababa ang presyo.
Paliwanag ni So, nakadepende pa rin ang presyo sa mga pamilihan sa international market at lokal na presyo.
Aniya, nasa 43 hanggang 45 pesos kada kilo ang bentahan ng mga rice miller. Dahil dito, ang presyo pagdating sa mga rice retailers ay aabutin na 48 pesos hanggang 50 pesos kada kilo.
Ayon naman sa pamahalaan, Inaasahan na bababa ang presyo ng bigas dahil sa Executive Order No. 62 o ang pagbaba ng taripa ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨