𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Nararanasan ngayon sa lungsod ng Dagupan ang mababang produksyon ng talaba.

Karamihan umano sa suplay ng talaba sa lungsod ay nanggagaling pa sa western part ng probinsya.

Di umano maramo na ang huminto sa negosyong ito dahil maliliit at kaunti lamang ang produksyon ng talaba sa ilog.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 o BFAR, isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mababa ang produksyon ng talaba ay ang kalidad ng tubig.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng kagawaran sa kalidad ng tubig sa mga talaba farms ng lungsod bilang pagtitiyak na ang mga ito ay hindi kontaminado ng red tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments