𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗕𝗜, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Asahan ang madalas na mga pag-uulan pagsapit ng hapon at gabi ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa mga state weather forecasters, nakitaan ng pagtaas sa tinatawag na occurrence of thunderstorm na hudyat ang nalalapit na pagtransition ng bansa sa wet season.

Sa Pangasinan, patuloy na nararanasan sa lalawigan ang mga localized thunderstorm tuwing hapon.

Samantala, maaaring ideklara ang wet season o panahon ng tag-ulan sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments