𝗠𝗔𝗚-𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟯-𝗪𝗘𝗘𝗞-𝗢𝗟𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Matagumpay na naaresto ng NBI ang isang maglive-in partner mula sa probinsya ng Kalinga matapos ibenta ang kanilang anak sa nagpanggap na buyer na kawani ng NBI sa lungsod ng Alaminos.
Base sa report nakilala ang mga suspek na sina Reynante Ladarran at kanyang live-in na si Margie Laowag, pawang mga residente ng Rizal, Kalinga.
Ayon kay Atty. Fabienne Matib ang Agent in-charge ng NBI Alaminos City District Office, nakatanggap ang kanilang opisina ng reklamo mula sa Project Rescue Children isang NGO at dahil naalarma ang mga ito sa kanilang nakita sa social media na nakapost na may isang 3-week-old na sanggol na for sale o for adoption na nagkakahalaga ng P300, 000.

Dito na gumawa ng hakbang ang NBI Alaminos City kung saan napanggap ang isang NBI Officer na buyer at nang kumagat na makipag-kita ang mga suspek sa isang restaurant sa lungsod at nang magka-abutan ay dito na rin isinagawa ang isang entrapment operation laban sa dalawa.
Ayon pa kay Matib, ang dahilan umano ng kanilang pagbebenta sa kanilang anak ay dahil sa problema sa pinansyal.
Kahaharapin ng mga suspek ang kasong Republic Act 11862 o ang Anti-Trafficking Persons Act at RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse,. Exploitation and Discrimination Act.
Itinurn-over naman sa DSWD ang tatlong taong gulang na bata at ang sanggol.
Sa ngayon, kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa pasilidad ng PNP Alaminos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments