𝗠𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦

Patay ang isang kwarenta y otso anyos na mag-uuling matapos itong magulungan ng bus habang nakahiga sa gilid ng kalsada sa bayan ng Bolinao.
Ang biktima ay nakilalang si Rodelito Talania residente ng Barangay Liwa Liwa sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng nasabing bus ang kahabaan ng nasabing barangay pasado ala una ng madaling araw nang hindi umano mapansin ng driver ang nakahiga na biktima sa gilid ng kalsada dahilan upang magulungan ito at magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments