𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗣𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Kinumpirma sa IFM Dagupan ng San Fabian PNP na nakapagtala sila ng kaso ng indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan.
 
Dito ay sugatan ang magkapatid matapos Silang tamaan ng ligaw na bala nang magpaputok ng baril ang Isang lalaki sa nasabing bayan.
 
Ang suspek ay nakilalang si K. Marcella residente ng Barangay Cayanga sa nasabing bayan samantalang ang mga biktima ay nakilalang mga residente ng Barangay Longos.
 
Ayon sa imbestigasyon, nagpaputok ng baril ang suspek at sa kasamaang palad ay tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang magkapatid kung saan ay parehong nadaplisan ang mga ito.
 
Agad naman silang isinugod sa pagamutan at nasa mabuti ng kalagayan habang ang suspek ay naaresto ng mga awtoridad.
 
Nakarekober ang mga kapulisan ng walong piraso ng kapsula ng caliber 9 mm pistol subalit hindi na narekober ang baril na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments