𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Napasakamay ng batas ang isang magsasaka matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Danilo,” at residente ng nabanggit na lugar.

Nasamsam mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, tunay na P1,000 bill, tatlong P1,000 bill buy-bust money, isang mini pouch, cellphone, at van.


Matapos ang isinagawang imbentaryo, dinala ang suspek sa himpilan ng Alicia Police Station para sa kaukulang dokumentasyon, at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Facebook Comments