𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗨𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Lumulutang sa may dalampasigan nang matagpuan ang 56 anyos na magsasaka kinilala bilang si June Lee Montes mula Benguet matapos itong makipag-inuman kasama ang ilang kaibigan sa San Fabian.

May kasamahan na ilang kaibigan umano ang magsasaka nang mangyari ang insidente. Nag-iinuman ang mga ito sa nirentahang shed sa nay San Fabian nang pumunta sa dalampasigan ang biktima upang umupo.

Kalaunan ay nakita na lamang umano ang lumulutang na katawan ng biktima. Ayon sa mga ito, maaaring nakatulog ang biktima saka tinangay ng malakas na agos at nalunod bunsod ng kalasingan.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments