𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Wala nang buhay nang datnan ang singkwentay otso anyos na magsasaka sa isang bukid sa Brgy. Ambonao, Calasiao, sa kalagitnaan ng araw noong nakaraang linggo.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Quinto, residente rin ng nasabing barangay.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, nakitaan ng taga sa ulo ang biktima. Isa sa tinitignang anggulo ay kung may kinalaman ito sa personal na buhay kung bakit ito napaslang.

Samantala, may inihandang persons of interest ang kapulisan upang matukoy kung sino ang pasimuno sa pagkamatay ng biktima.

Kasalukuyan namang naghihintay pa ng karagdagang ebidensya ang pulisya bago magsampa ng kaso sa isa sa mga itinuturing persons of interest. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments