𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟲-𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗘𝗥𝗧𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗠. 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Cauayan City – Malapit nang matapos ang bagong gusali sa Buena Suerte Elementary School na itinayo para sa instructional purposes.

Ayon sa Punong Guro ng nasabing aralan na si Anna Maria Agacer, matagal nang luma at hindi na maayos ang silid-aralan ng kindergarten, kaya napagdesisyunang magtayo ng bago.

Ang proyekto ay pinondohan ng Basic Education Facilities Fund 2024 (Batch 2) upang matiyak na may sapat na pasilidad ang paaralan.


Dapat sana ay December 2024 pa sinimulan ang pagtatayo matapos ang groundbreaking, ngunit naantala ito dahil sa patuloy na pag-ulan.

Naniniwala si Gng. Agacer na makakatulong ito sa mas epektibong pagkatuto ng mga bata dahil mas magiging maayos at komportable ang kanilang silid-aralan.

Samantala, ang konstruksyon nito ay inaasahang matatapos sa loob ng 100-120 araw na lilipatan naman ng Grade 6, Grade 3, at Kindergarten.

Facebook Comments