Nakatakdang igawad ni Pangulong Ferdinand Marcos (PBBM) Jr. sa 3,558 na Agrarian Reform Beneficiaries sa Ilocos Region ang Certificate of Condonation with Release of Mortgage o COCROM sa July 19 sa Lingayen Pangasinan.
Libreng mapapasakanila ang 28,086,712 ektarya ng lupang sakahan o tumutumbas sa P50, 562,449 na pagkakautang ng mga ito mula sa mga sinasakang lupa.
Ang condonation sa mga naturang sakahan ay naisakatuparan sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act o NAEA.
Inaasahang dadalo mismo ang Pangulo at si DAR Secretary Conrado Estrella Jr. sa pag gagawad ng mga titulo.
Kaugnay nito, nasa 200,000 na Certificate of Condonation ang target na ipamahagi sa buong bansa bago magtapos ang 2024.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments