𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Pinaigting ang seguridad sa Brgy. Tagaran matapos makapagtala ng sunud-sunod na kaso ng nakawan kamakailan sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Daniel Acob, Kagawad sa nabanggit na Barangay, matapos maitala ang mga kasong ito ay mas lalong pinaigting ang pagroronda ng mga tanod at implementasyon ng curfew hours.

Aniya, nagsagawa na rin ng Emergency Meeting ang Pamunuan ng Tagaran at natalakay dito ang kooperasyon at pagtutulungan ng bawat mamamayan upang maiwasang maulit ang nakawan sa lugar.


Samantala, nagpaalala naman si Kagawad Acob na maging mapagmasid at kung may mapansin mang kahina-hinala ay agad tumawag o magsumbong sa mga kinauukulan.

Facebook Comments