Ilang buwan nang nararanasan ngayon ang mahinang suplay o minsan ay halos walang daloy ng tubig sa bayan ng Binmaley.
Ito ang kinumpirma ng alkalde ng bayan na si Engr. Pedro Merrera, sa pagharap nito sa media.
Ayon sa kanya, ang mga residente sa kanilang bayan ay dumadaing at nahihirapan sa mahina o minsan ay wala pang dumadaloy na tubig.
Diumano, isa itong problemang kailangan ng agarang solusyon, dahil importante ang tubig.
Bilang tugon, ang sangguniang bayan ng Binmaley, ay gumagawa ng imbestigasyon sa PAMANA na siyang nagsusupply ng tubig upang masolusyonan ang problemang kinakaharap ng bayan.
Base sa alkalde, tila hindi pa malinaw kung anong magiging hakbang ang gagawin ng PAMANA sa kung paano ang magiging hakbangin nila upang matugunan ang isa sa pinakaimportanteng pangangailangan.
Samantala, kamakailan, ilang bayan din sa lalawigan ang napaulat na mayroong mahinang supply ng tubig, dahil naman sa pagkasira ng ilang water facility dulot ng init gayundin ng mga kidlat na dala ng thunderstorms. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨