Halos isang daang libong mga Pangasinense ang nabenepisyuhan na ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o programang MAIFIP ng Department of Health.
Mula 2023, umabot sa 83, 072 na mga mahihirap ng residente ang nauna nang natulungan ng programa habang hanggang nito lamang August 2024, umakyat pa sa 99, 607 indibidwal ang nakinabang na rin dito.
Ang naturang programa ay bahagi ng adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan na mas palawakin at palakasin pa ang kabuuang healthcare system ng Pangasinan upang makinabang partikular ang mga mahihirap.
Samantala, mas pinapabuti rin ngayon ang serbisyo sa labing-apat na government run hospitals sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong mga hospital staffs, makabagong mga kagamitan at konstruksyon ng gusali ng ibang hospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨