
Cauayan City – Target ng Department of Health (DOH) Cagayan Valley na mabakunahan ang mahigit 310,000 na bata laban sa tigdas at rubella sa nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa June 2026.
Saklaw nito ang mga batang may edad anim na buwan hanggang 59 na buwan, ayon sa Department of Health (DOH) Cagayan Valley.
Sinabi rin ng ahensya na nasa 57% na ang kahandaan ng rehiyon base sa assessment, kabilang ang microplanning, training ng vaccinator, at sapat na suplay ng bakuna at tiniyak na maaabot ang full readiness bago magsimula ang immunition drive.
Samantala, ayon kay Jermaine Farrah Cepeda-Liggayu, Nurse Manager ng National Immunization Program, layon ng programa na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng kwalipikadong bata at maiwasan ang posibleng outbreak ng sakit sa rehiyon.
Hinimok rin nito ang mga magulang na gamitin ang libreng bakuna at bantayan ang kalusugan ng kanilang anak.
Pinaalalahan rin niya ang mga magulang na dalhin agad sa health center ang bata kung makaranas ng lagnat, ubo, sipon, pamumula ng mata, o pantal upang maagapan ang sakit.
Source: Cagayan PIO
Photo: for illustration only
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










