π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘ 𝗣𝗑𝗣 π—£π—œπ—‘π—”π—š-π—œπ—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š π—”π—‘π—š π—¦π—˜π—šπ—¨π—₯π—œπ——π—”π—— 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—”π—£π—”π—¬π—”π—£π—”π—‘π—š π—›π—’π—Ÿπ—œπ——π—”π—¬ π—¦π—˜π—”π—¦π—’π—‘

Pinag-iigting ng PNP Mangaldan ang seguridad sa pagpapanatili ng peace and order sa kanilang nasasakupan sa darating na kapaskuhan at bagong taon.

Pinaalalahanan ng kapulisan ang mga residente na maging maingat lalo na’t kung may plano ang mga itong magbakasyon.

Payo ng PNP, na huwag ipagsabi sa ibang tao o i-post sa social media ang planong pagbabakasyon, upang makaiwas sa pagsalisi ng mga kawatan. Gayundin, siguraduhing naka-lock ang mga pinto at bintana ng bahay kung aalis. At, ingatan din ang mga personal na dala-dala at ng mga naiwang gamit sa bahay.

Samantala, ang presensya ng PNP Mangaldan ay laging nasasaksihan dahil sa kanilang Oplan Ligtas Pasko, sa panguguna ni PLTCOL. Roldan Cabatan kung saan nilalayon nilang maging mapayapa ang paggunita ng holiday season sa kanilang bayan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments