𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Palutang-lutang nang matagpuan sa ilog ang bangkay ng 73 anyos na mangingisda sa Basing River sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Mismong asawa ng biktima ang nakakita sa katawan ng biktima na si Genaro Abranilla.

Nagpaalam umano sa kanya ang asawa alas sais ng umaga upang mgharvest ng isda sa ilog ngunit bandang alas nwebe nang matagpuan nito ang katawan na palutang lutang.

Dumaranas umano sa sakit sa puso ang biktima na maaaring sanhi ng pagkalunod nito. Sinubukan pang isalba ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments