𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗢𝗧

Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng awtoridad sa La Union sa Isang mangingisda sa probinsiya na nawawala matapos pumalaot noong ika-22 ng Oktubre.

Ayon sa Provincial Government ng La Union, Kinilala ang nawawalang mangingisda na si Albert Viado na residente ng Fisherman’s Village Brgy. Poro, San Fernando City, La Union.

Ito umano ay nagpunta sa baybayin ng Bolinao upang mangisda ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakauwi sa kanilang tahanan.

Nakipag ugnayan na ang Provincial Government sa mga residente ng Coastal areas sa lugar na kung makita ang naturang mangingisda ay ipagbigay agad sa kinauukulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments