π— π—”π—‘π—šπ—œπ—‘π—šπ—œπ—¦π——π—”π—‘π—š π—‘π—”π—£π—”π—¨π—Ÿπ—”π—§ 𝗑𝗔 𝗑𝗔π—ͺ𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘π—š 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—•π—”π—§π—”π—‘π—˜π—¦

 

Cauayan City – Maswerteng natagpuang buhay nito lamang ika-19 ng Setyembre ang isang mangingisda mula sa Infanta, Quezon na napaulat na nawawala noon pang ika-4 ng Agosto.

Ayon sa ulat mula sa Philippine Coast Guard Batanes, habang nagsasagawa sila ng Seabourn Patrol sa karagatang bahagi ng Batan Island, Batanes ay natagpuan nila ang mangingisdang si Robin Dejillo, 50 anyos, tubong Brgy. Dinahican, Infanta Quezon Province na nakasakay sa kanyang bangka na may bow number na QUE-12-1716 no. 3 at may body paint na JM.

Ayon sa report mula sa PCG Northern Quezon, napaulat na nawawala si Dejillo noong ika-4 ng Agosto nang maubusan ng gasolina ang kanyang bangka dahilan upang hindi ito makabalik sa kanyang mother boat at tuluyang naiwang palutang-lutang sa gitna ng karagatan.


Ayon rin sa PCG, posibleng dahil sa naranasang bagyo at low pressure area na tumama sa hilagang bahagi ng Luzon ang dahilan kaya naanod patungo sa Batanes su Dejillo.

Sa ngayon, kasalukuyang nagpapalakas sa Batanes General Hospital si Dejillo habang patuloy ang pakikipag-usap ng PCG Batanes sa PCG Northern Quezon upang makauwi na si Dejillo sa kanyang pamilya.

Facebook Comments