𝗠𝗔𝗡𝗚𝗢 𝗚𝗥𝗢𝗪𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗛𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘𝗡𝗢𝗡

Apektado rin ng El Niño phenomenon ang mga nagtatanim ng mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Kaugnay nito ay mababa ang naani ng mga ito sa nakalipas na naihan ng mangga nito nakalipas na buwan.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Mango Growers Association President Mario Garcia, bagamat maganda, aniya, ang presyuhan nito ngayon sa merkado ay iilan lang sa kanila ang nag-spray ng mangga ngayon.

Nasa 40% lang, aniya, nila ngayon ang nag-spray ng mangga na malayo sa kanilang normal na bilang bagamat patuloy ang paghikayat sa iba na mag-spray ngayon upang makabawi.

Lalo pa, aniya, at hindi naman ganoon katindi ngayon ang epekto at pag-atake ng Cicid Flies Kurikong sa mga manggahan sa lalawigan ng Pangasinan.

Maganda, aniya, ang presyuhan ng mangga ngayon dahil Naglalaro ngayon ang farm gate Price ng mangga sa ₱70 to ₱80 habang kung sa mga pamilihan ito ay nasa ₱100 hanggang ₱120 per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments