𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Mas mainit na panahon kumpara noong nakaraang taon ang aasahan ngayon sa darating na panahon ng tag-init bunsod ng mas matinding epekto ng El Niño.

Ayon sa PAGASA, posibleng maramdaman ang mas maalinsangang panahon simula buwan ng Marso hanggang sa Mayo, maaari rin umanong umabot sa 40 degree celsius ang maitatalang heat indices sa iba’t-ibang bahagi sa bansa.

Sa lalawigan ng Pangasinan, hindi lamang sektor ng agrikultura ang apektado dahil maging mga farm animals ay nakaranas na rin ng epekto ng El Niño kung saan napaulat na ilang mga alagang baka partikular sa bayan ng Mangaldan ay naitalang may pagkakasakit ng mga naturang alagang hayop.

Patuloy ding pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat dahil maging sa katawan o pangkalusugan ay may bantang dulot ang El Niño tulad ng heat exhaustion at heat stroke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments