Nagkalat na mga plastic at mga basura ang madalas na madatnan umano ng mga maintenance ng Magsaysay Fish market lalo na tuwing sasapit ang gabi kaya naman agad na binigyang tuon ito ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City.
Ayon sa Anti-Littering Task force ng lungsod, dadalawa lamang umano ang basurahan na nakalaan sa naturang fish market at hindi rin kakayanin ng maintenance ang patuloy na paglilinis lalo at malawak ang naturang fish market.
Kaya naman binigyan tuon ito ng alkalde kung saan gagawin na umanong anim ang basurahan para sa mas maraming tapunan ng mga mamimili at ng mga nagbebenta.
Nagbigay rin ng payo ang alkalde ng lungsod sa mga fish vendors na tumulong rin sa pagpapanitili ng kalinisan sa loob ng mga palengke lalo at for human consumption ang kanilang mga ibinebenta at mas mainam kung linisin ang mga kanya-kanyang pwesto bago umalis para mapadali rin ang trabaho ng mga taga0linis sa loob ng fish market. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨