𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗥𝗟𝗔𝗖 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Nararanasan sa kasalukuyan ang mas mahabang byahe mula Pangasinan papuntang Metro Manila dahil sa nasirang Tarlac Bridge kamakailan lamang.

Nauna na ininspeksyon ng mga kawani mula sa Department of Public Works and Highways sa Tarlac ang bahaging nasira sa San Clemente Bridge na siyang nag-uugnay sa probinsya ng Tarlac at Pangasinan.

Bunsod nito, nasa halos dalawang oras mula ang byahe kung manggagaling sa western Pangasinan papuntang Manila.

Ilang araw din matapos ang pagkasira nito ay ipinagbawal ang mga lf truck at mini-bus na tumawid sa tulay kaya naman ilang mga commuters na mula Camiling, Tarlac hanggang Lingayen sa Pangasinan ay walang magawa kung hindi ang maglakad papunta sa kabila ng dito at doon sumakay ng mga bus.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga kaukulang ahensya ang aksyon kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments