𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗗𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗

Hinimok ang mga Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Council at mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan na mas palawigin at pagbutihin pa ang kahandaan pagdating sa banta ng kalamidad sa probinsya.

Inihayag ni Gov. Guico III ang kahalagahan ng mas pinalakas na disaster preparedness at response kasunod na rin ng naranasang epekto ng Bagyong Carina at habagat, kung saan nagdulot ng higit dalawang daang milyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Ito ay naaayon din sa paghahandang kinakailangang ng lalawigan bilang simula ngayong buwan ng Agosto ang posibleng pagdating ng La Niña Phenomenon.

Samantala, isa umano sa nakikitang aksyon o paghahanda laban sa mga hindi maiwasang kalamidad ay ang pagtalima sa tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara ng mga ito na maaring magdulot ng pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments