Ilang buwan nang nararanasan ng mga motoristang dumadaan sa bahagi ng Nalsian-San Miguel Intersection sa bayan ng Calasiao ang masangsang na amoy malapit sa mga establisyemento rito.
Dahil sa mga reklamo ng mga motorista at sa mabahong amoy na ito, ay inaksyunan ng mga kawani ng LGU ang nasabing reklamo kung saan isinagawa ang inspeksyon sa lugar dahil upang alamin kung ano ang sanhi nito o kung saan nagmumula ang amoy na ito.
Pinangunahan ang naturang inspeksyon ng mga kawani ng LGU gaya ng Municipal Engineering Office Engr. Edwin Tigno at Engr. Jimbim Andaya, Sanitary Inspection Team Patrick Angeles.
Isa-isa ring ininspeksyon ng awtoridad ang mga establisyementong nakapalibot sa lugar.
Samantala, patuloy na imomonitor ng mga awtoridad ang nasabing reklamo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨