
Cauayan City – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inaasahang matinding init sa Cagayan Valley sa mga susunod na buwan.
Sa pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council noong ika-24 ng Pebrero, iniulat na maaaring makaranas ang rehiyon ng below normal hanggang near normal na pag-ulan mula Pebrero hanggang Mayo.
Kasabay nito, pinaghahandaan din ang pagpasok ng apat hanggang labing-isang bagyo sa bansa hanggang July 2026. Hinikayat ang publiko at mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kahandaan laban sa epekto ng tag-init at mga bagyo.
Tiniyak naman ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System na sapat pa ang suplay ng irigasyon at kuryente sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Magat Dam.
Nakatakda ang irrigation water delivery cut-off para sa Dry Crop 2026 sa kalagitnaan ng Marso sa mga pangunahing kanal ng MARIIS.
Inaprubahan din ang paggamit ng mahigit P119 milyong natitirang pondo mula 2025 para sa 2026 LDRRMF Investment Plan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Rodito T. Albano, kabilang ang pagbili ng dalawang landing craft para sa mas mabilis na relief operations sa mga coastal towns ng Isabela.
Source: Isabela PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










