𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Ganon na lang ang pagkagulat ng rehistradong may-ari ng lupa sa may Brgy. Mabilao, San Fabian, kinilalang si Felipe Caoili matapos mapag-alaman na may nagsasangla umano ng lupang pagmamay-ari nito.

Nag-ugat ang insidente sa reklamo ng mag-asawang Virgilio at Sally Norberte mula Brgy. Minien, Sta. Barbara sa pagsasangla umani ng tatlong suspek sa tinukoy na lupa..

Kinilala ang suspek na sina Maville Bautista, Marites Doria at Gerlina De Leon pawang mga residente ng Mangaldan. Nakipagpulong pa umano ang ito sa isang coffee shop sa bayan upang i-alok ang lupa sa mga biktima.

Napag-alaman na hindi umano registered real estate brokers ang mga suspek at peke ang mga dokumentong ipinakita ng mga ito.

Sa pamamagitan ng entrapment operation ay naaresto ang mva suspek. Haharap sa kasong paglabag sa RA 9646 at estafa ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments