CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Emergency First Aid Training ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Burgos, Isabela, katuwang ang Philippine Red cross- Isabela (PRC-Isabela) bilang bahagi ng selebrasyon ng Disaster Resilience Month.
Kabilang sa mga aktibidad na ginawa sa pagsasanay ay ang basic first aid techniques, wound care, cardiopulmonary resuscitation (CPR), at iba pang life-saving tips and practices.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad ay mas magiging epektibo na ang pagresponde at pagbibigay nang agarang lunas ng mga barangay responders sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Pinangunahan ni Mayor Isis Dominique Uy at Mr. Carlos Pascual Jr., head ng MDRRMO – Burgos ang nabanggit na Emergency First Aid Training.