π— π—˜π—”π—§ π—©π—˜π—‘π——π—’π—₯ 𝗦𝗔 π—•π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—’π—‘π—”π—‘, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng pulisya ang isang meat vendor sa Brgy.Bued,Binalonan matapos mahulihan ng iligal na droga.

Nalambat ng awtoridad ang suspek na si Gerry CastaΓ±eda, 40 anyos.

Nahuli malapit sa public market si CastaΓ±eda kung saan nasa 48 gramo ng hinihinalang shabu at 43 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng halaga ng P8,424 ang nakuha sa kaniyang kustodiya.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Binalonan Police Station. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments