Matumal ang bentahan ng karne ng manok sa Malimgas Public Market sa lungsod ng Dagupan.
Hirap umano ang mga meat vendors na ibenta ang karne ng manok dahil sa mataas na presyo.
Naglalaro kasi sa 220 hanggang 200 ang kada kilo nito ngayon.
Rason umano ng ilang mamimili nagtitipid sila kung kaya’t naghahanap na muna ng pamalit sa karne ng manok na pasok sa budget.
Sa ngayon, mas mabenta umano ang frozen food na nakikitang pamalit ng mga consumer sa karne ng manok.
Ang ilang tindera ng karne ng manok, pakonti konti din ang kinukuhang suplay upang hindi malugi.
Sa ngayon, nanatiling mababa ang suplay ng manok na dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa Malimgas Public Market. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments