𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 – 𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Higit 63 na katao ang dumalo sa medical – dental consultation ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa Brgy. Fianza.

Lumalabas sa isinagawang consultation na Nangunguna ang upper tract respiratory infection o UTI na may 26.5% na nakararanas sa barangay, sumunod naman ang hypertension na may 16.9% na nakakaranas nito at 6% naman ang nakakaranas ng pananakit ng ulo.

Ang iba pang sakit na nararanasan ng mga residente ay acute tonsillopharyngitis gastroesophageal reflux disease at pulmonary tuberculosis na may parehong porsyento na 4.8% na residente ang nakararanas, pulmonary tuberculosis, contact dermatitis at allergic rhinitis na kung saan ang tatlo ay may parehong porsyento na 3.6% na residente na nakararanas.

Layunin ng medical-dental consultation sa barangay na palaganapin ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugan ng komunidad pati na rin ang pagkakaroon ng access ng mga residente ng rural areas sa healthcare services. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments