𝗠𝗘𝗞𝗔𝗡𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗡𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜

Sunog at wala nang buhay ng madatnan ng mga awtoridad ang katawan ng isang 55-anyos na mekaniko sa Barangay Pugaro, Sta. Barbara.
Ayon sa report ng PNP Santa Barbara, ang biktima (hindi na pinangalanan) ay residente ng Barangay Botao, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, isang parking boy/caretaker ang nakakita sa isang nakaparadang motorsiklo sa parking area.

Sinubukan umano nitong hanapin ang may-ari ng motorsiklo hanggang sa marating nito ang madamong bahagi ng Virgins Well at doon niya nadiskubre ang isang nasunog na bangkay.
Nadiskubre sa lugar ang cellphone na ginamit ng biktima upang kunan ng video ang kanyang sarili ng buhusan nito ng hinihinalang gasolina at saka sinindihan ang katawan.
Nakahimlay na ngayon sa isang punerarya ang labi ng biktima habang ang tinitingnang motibo sa pagpapa-k*matay ay dahil umano sa matinding problema sa pamilya.
Facebook Comments