π— π—˜π— π—’π—₯𝗔𝗑𝗗𝗨𝗠 𝗒𝗙 π—”π—šπ—₯π—˜π—˜π— π—˜π—‘π—§ 𝗑𝗔 π—§π—¨π—§π—¨π—šπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—š-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗒 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—šπ——π—”π—”π—‘ 𝗑𝗔

Pormal nang nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na siyang tutugon sa usaping pang-aabuso o karahasan sa loob ng tahanan at pamilya sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay sa bisa ng naganap na MOA signing sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, Department of Justice (DOJ), Dagupan Prosecutor’s Office, Philippine National Police (PNP) Dagupan, at Region 1 Medical Center (R1MC).

Layon nito ang mas pinag-igting na proteksyon at interbensyon para sa mga biktima ng sexual, psychological at emotional abuse.

Tiniyak ng bawat ahensya ang kanilang magiging gampanin upang maging epektibo ang mga aksyong isasagawa na may layong masolusyunan ang alinmang kaso ng pang-aabuso sa Dagupan City. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments