Wednesday, February 4, 2026

𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗘 𝗡𝗜 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗜𝗘 𝗛𝗦𝗨, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗬𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City — Ginunita ng pamilya at malalapit na kaibigan ng yumaong “Meteor Garden” star na si Barbie Hsu ang unang anibersaryo ng kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang memorial statue sa kanyang himlayan sa Taipei nitong ika-2 ng Pebrero 2026.

Ginanap ito sa isang private semetary sa Chin Pao San.

Ang estatwa ay personal na idinisenyo ng kanyang asawa na si Koo Jun-yup, katuwang ang Taiwanese contemporary artist na si Chen-Dao Lee, bilang pag-alala sa naturang aktres.

Dumalo sa seremonya si Koo kasama ang ina at kapatid ni Barbie na sina Huang Chun-mei at Dee Hsu, maging si Taipei Financial Center Corp. Chairperson Janet Chia ay dumalo rin.

Gayundin ang kanyang mga dating kasama sa Meteor Garden na sina Jerry Yan at Vic Chou.

Pumanaw si Barbie Hsu noong Pebrero 2, 2025, sa edad na 48, dahil sa pneumonia.

Patuloy siyang inaalala ng mga tagahanga sa buong mundo bilang isang icon ng Asian pop culture at bilang si Shan Cai.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments