𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗙

Mahigpit na binabantayan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang banta ng posibleng pagtama ng African Swine Fever o ASF sa mga alagang baboy.

Ayon sa Provincial Veterinary Office, mahigpit ang kanilang pagmomonitor sa mga baboy na pumapasok sa probinsya at sinisiguro nilang compliant ay may dokumento ang mga ito.

Samantala, kanya-kanya namang diskarte ang ilang hog raisers kung saan hindi nila basta-bastang pinapalitan ito sa mga tao o iba pang posibleng carrier ng ASF.

Sa kabila ng katatagan ng supply ng baboy ngayon sa lalawigan, patuloy pa rin ang ginagawa nilang preventive measures hindi lamang sa ASF kundi maging sa init ng panahon na nararanasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments