𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟-𝗦𝗜𝗡𝗢𝗖𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Nakatutok ang City Disaster Risk Reduction Management Office ng Dagupan sa mga barangay na malapit sa pantal-sinocalan river dahil sa posibleng pagbaha dulot tuloy-tuloy na pag-uulan.

Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay Dagupan City CDRRMO Head, Mr. Ronaldo De Guzman, mahigpit ang monitoring ng kanilang tanggapan sa mga barangay na Pantal-Sinocalan River.

Aniya, may mga pagbaha na sa ilang barangay gaya na lamang ng brgy. Malued, Lasip Chico, maging ng mga Sitio Patalan ngunit ito ay manageable naman.

Sa ngayon, wala pang inilikas na residente sa lungsod ngunit handa umano ang lokal na pamahalaan sakaling magsagawa ng evacuation o rescue sa mga maapektuhan ng masungit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments