𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬

Hinimok ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil ang mga barangay sa bayan na magkaroon ng sariling material recovery facility o MRF upang masolusyunan ang problema sa basura.

Sa State of the Municipality Address ng Alkalde, sinabi nito na ito ay preemptive measure sa posibilidad na magsara ang Metro Clark Sanitary Landfill dahil sa toneladang basura na inilalagak doon mula sa maraming bayan.

Dagdag ng opisyal, mas mainam nang gamitin sa ibang proyekto ang malaking halaga na binabayarang tipping fee buwan-buwan upang mahakot ang mga basura ng Lingayen patungong Metro Clark.

Kaugnay nito, hinikayat din ng lokal na pamahalaan ang bawat residente na makiisa sa coastal clean-up drives partikular sa kahabaan ng Lingayen Baywalk na kamakailan lamang ay nasa higit 50 bags ng basura ang nakolekta noong Semana Santa.

Binigyang diin ng Alkalde na kinakailangang maaksyunan ang problema sa Lingayen Baywalk dahil ito atraksyon sa mga turista na simbolo ng kultura at kasaysayan ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments