𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔-𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗜𝗕𝗔𝗞𝗜𝗡

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na hindi pwedeng basta basta na lamang sibakin ang mga datihang barangay service point officers sa kanilang tungkulin ng mga bagong talagang Punong Barangay.
Ayon kay Mayor Bona Fe Devera-Parayno, maituturing na kapangyarihan ng mga ito ang kanilang karanasan dahil nangangahulugan ito na alam nila ang kanilang responsibilidad.
Bukod pa rito, ipinaalala rin ng opisyal ang tungkulin ng mga ito mula sa pagsasagawa ng household visits , pagtataya ng master list at pagbibigay ng information, education at communication materials ukol sa family planning sa mga kababaihan na pasok sa reproductive stage katuwang ang Municipal Health Office.

Samantala, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga nagnanais na mag volunteer sa Rural Health Units na malaking tulong para sa pagpapatuloy nang pagbibigay ng serbisyong medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments