𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗡 𝗧𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢-𝟭 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Hindi na tatakpan ang mga baril o magpapatupad ng gun taping ang Police Regional Office (PRO) 1 ngayong nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.

Matatandaan na matagal na rin itong isinasagawa kung kaya’t inihayag ni PNP Region 1 Regional Director PBGen. Lou Evangelista na kampante ito na walang maitatalang kaso ng indiscriminate firing mula sa hanay ng pulisya.

Naniniwala si Evangelista na ang mga pulis ay disiplinado dahil dumaan sa iba’t ibang programa ang bawat miyembro ng pulisya.

Babantayang maigi ng pulisya ang posibleng pagkakaroon ng kaso ng stray bullets kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.

Sa ibang lugar kasi may mga naitatalang kaso ng tinatamaan ng ligaw na bala.

Samantala, hinihikayat ng opisyal na makiisa sa kampanya ng pulisya na loose firearms o i-surrender ang mga baril na paso ang lisensya nito upang hindi ma-issuehan ng karampatang parusa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments