Aakalain mo bang magiging kapaki pakinabang ang basurang plastic sa pangalawang pagkakataon?
Sa bayan ng Manaoag target na idaan sa upcycling ang mga plastic na basura gaya ng PET Bottles, sachet ng pagkain at marami pang iba upang makabuo ng bagong kagamitan.
Nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa isang kumpanya na nagsasagawa ng upcycling ng basura upang masolusyunan ang pagtaas ng volume ng basura na nakokolekta kung saan sa bayan ay mayroong 21 tonelada kada araw.
Gamit ang kanilang makabagong teknolohiya, ang mga plastic wastes ay dadaan sa mga proseso mula paglilinis, pag compress, at paghulma para maging isang kapaki pakinabang na gamit gaya ng upuan, lamesa, at trash bins na maaaring gamitin sa households, paaralan, at opisina.
Ang hakbang na ito ay simula na ng paghikayat sa mga Manaoagueños na sa mga basurang ito, ay maaring makagawa ng mga useful goods at makakatulong pa sa pagbawas ng waste congestion at magkaroon ng clean and green environment. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨